Isaias 29

Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, “Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan.”

Isaiah 29:11 (UKJV) And the vision of all is become unto you as the words of a book that is sealed, which men deliver to one that is learned, saying, Read this, I pray you: and he says, I cannot; for it is sealed:

9Magugulat kayo at mamamangha, magpakabulag at tuluyang hindi makakita. Malalasing kayo, ngunit hindi dahil sa ubas, at magsusuray-suray, ngunit hindi dahil sa alak.

10Sapagkat para kayong pinatulog ng Panginoon nang mahimbing. Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta; tinakpan niya ang ulo ng inyong mga manghuhula.

11Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, “Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan.”

12At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, “Hindi ako marunong bumasa.”

13Sinabi ng Panginoon, “Sa salita lamang lumalapit sa akin ang mga taong ito, sa labi lamang ako iginagalang, ngunit ang kanilang mga pusoʼy malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.