Isaias 29

Sinabi ng Panginoon, “Sa salita lamang lumalapit sa akin ang mga taong ito, sa labi lamang ako iginagalang, ngunit ang kanilang mga pusoʼy malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.

Isaiah 29:13 (UKJV) Wherefore the Lord said, Forasmuch as this people draw near me with their mouth, and with their lips do honour me, but have removed their heart far from me, and their fear toward me is taught by the precept of men:

11Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, “Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan.”

12At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, “Hindi ako marunong bumasa.”

13Sinabi ng Panginoon, “Sa salita lamang lumalapit sa akin ang mga taong ito, sa labi lamang ako iginagalang, ngunit ang kanilang mga pusoʼy malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.

14Kaya muli kong ipapamalas sa mga taong ito ang sunod-sunod na kababalaghan. At maglalaho ang karunungan ng marurunong, at mawawalang-saysay ang katalinuhan ng mga matatalino.”

15Nakakaawa kayong mga nagtatago sa Panginoon ng inyong mga plano. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.