Isaias 29

Nakakaawa kayong mga nagtatago sa Panginoon ng inyong mga plano. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

Isaiah 29:15 (UKJV) Woe unto them that seek deep to hide their counsel from the LORD, and their works are in the dark, and they say, Who sees us? and who knows us?

13Sinabi ng Panginoon, “Sa salita lamang lumalapit sa akin ang mga taong ito, sa labi lamang ako iginagalang, ngunit ang kanilang mga pusoʼy malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.

14Kaya muli kong ipapamalas sa mga taong ito ang sunod-sunod na kababalaghan. At maglalaho ang karunungan ng marurunong, at mawawalang-saysay ang katalinuhan ng mga matatalino.”

15Nakakaawa kayong mga nagtatago sa Panginoon ng inyong mga plano. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

16Baluktot ang inyong pag-iisip. Itinuturing ninyong parang putik ang magpapalayok. Masasabi ba ng isang gawa sa gumawa sa kanya, “Hindi ikaw ang gumawa sa akin?” Masasabi ba ng palayok sa magpapalayok, “Hindi mo alam ang iyong ginagawa?”

17Hindi magtatagal, ang mga kagubatan ng Lebanon ay magiging matabang lupain, at ang matabang lupain ay magiging kagubatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.