Isaias 29

Baluktot ang inyong pag-iisip. Itinuturing ninyong parang putik ang magpapalayok. Masasabi ba ng isang gawa sa gumawa sa kanya, “Hindi ikaw ang gumawa sa akin?” Masasabi ba ng palayok sa magpapalayok, “Hindi mo alam ang iyong ginagawa?”

Isaiah 29:16 (UKJV) Surely your turning of things upside down shall be esteemed as the potter's clay: for shall the work say of him that made it, He made me not? or shall the thing framed say of him that framed it, He had no understanding?

14Kaya muli kong ipapamalas sa mga taong ito ang sunod-sunod na kababalaghan. At maglalaho ang karunungan ng marurunong, at mawawalang-saysay ang katalinuhan ng mga matatalino.”

15Nakakaawa kayong mga nagtatago sa Panginoon ng inyong mga plano. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

16Baluktot ang inyong pag-iisip. Itinuturing ninyong parang putik ang magpapalayok. Masasabi ba ng isang gawa sa gumawa sa kanya, “Hindi ikaw ang gumawa sa akin?” Masasabi ba ng palayok sa magpapalayok, “Hindi mo alam ang iyong ginagawa?”

17Hindi magtatagal, ang mga kagubatan ng Lebanon ay magiging matabang lupain, at ang matabang lupain ay magiging kagubatan.

18Sa araw na iyon, ang bingi ay makakarinig ng binabasang aklat. At ang bulag, na walang nakikita kundi kadiliman ay makakakita na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.