Isaias 29

Kaya muli kong ipapamalas sa mga taong ito ang sunod-sunod na kababalaghan. At maglalaho ang karunungan ng marurunong, at mawawalang-saysay ang katalinuhan ng mga matatalino.”

Isaiah 29:14 (UKJV) Therefore, behold, I will proceed to do a marvellous work among this people, even a marvellous work and a wonder: for the wisdom of their wise men shall perish, and the understanding of their prudent men shall be hid.

12At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, “Hindi ako marunong bumasa.”

13Sinabi ng Panginoon, “Sa salita lamang lumalapit sa akin ang mga taong ito, sa labi lamang ako iginagalang, ngunit ang kanilang mga pusoʼy malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.

14Kaya muli kong ipapamalas sa mga taong ito ang sunod-sunod na kababalaghan. At maglalaho ang karunungan ng marurunong, at mawawalang-saysay ang katalinuhan ng mga matatalino.”

15Nakakaawa kayong mga nagtatago sa Panginoon ng inyong mga plano. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

16Baluktot ang inyong pag-iisip. Itinuturing ninyong parang putik ang magpapalayok. Masasabi ba ng isang gawa sa gumawa sa kanya, “Hindi ikaw ang gumawa sa akin?” Masasabi ba ng palayok sa magpapalayok, “Hindi mo alam ang iyong ginagawa?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.