Isaias 29

Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain, ngunit nang magising ay gutom pa rin; katulad ng taong nanaginip na umiinom, ngunit nang magising ay uhaw pa rin. Ganoon ang sasapitin ng lahat ng mga bansang kumakalaban sa Zion.

Isaiah 29:8 (UKJV) It shall even be as when an hungry man dreams, and, behold, he eats; but he awakes, and his soul is empty: or as when a thirsty man dreams, and, behold, he drinks; but he awakes, and, behold, he is faint, and his soul has appetite: so shall the multitude of all the nations be, that fight against mount Zion.

6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

7Ang maraming bansang kumakalaban sa Jerusalem, na sumasalakay sa kanya at gumigiba sa kanyang tanggulan ay mawawalang katulad ng isang panaginip o ng isang pangitain sa gabi.

8Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain, ngunit nang magising ay gutom pa rin; katulad ng taong nanaginip na umiinom, ngunit nang magising ay uhaw pa rin. Ganoon ang sasapitin ng lahat ng mga bansang kumakalaban sa Zion.

9Magugulat kayo at mamamangha, magpakabulag at tuluyang hindi makakita. Malalasing kayo, ngunit hindi dahil sa ubas, at magsusuray-suray, ngunit hindi dahil sa alak.

10Sapagkat para kayong pinatulog ng Panginoon nang mahimbing. Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta; tinakpan niya ang ulo ng inyong mga manghuhula.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.