Isaias 29

Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

Isaiah 29:6 (UKJV) You shall be visited of the LORD of hosts with thunder, and with earthquake, and great noise, with storm and tempest, and the flame of devouring fire.

4Ibabagsak ka nang tuluyan at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita; sa alikabok magmumula ang iyong mga bulong. Ang tinig moʼy tila multong manggagaling sa kailaliman ng lupa, sa alikabok ang salita moʼy parang huni ng ibon.

5Ngunit darating ang araw na ang marami niyang malulupit na kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila.

6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

7Ang maraming bansang kumakalaban sa Jerusalem, na sumasalakay sa kanya at gumigiba sa kanyang tanggulan ay mawawalang katulad ng isang panaginip o ng isang pangitain sa gabi.

8Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain, ngunit nang magising ay gutom pa rin; katulad ng taong nanaginip na umiinom, ngunit nang magising ay uhaw pa rin. Ganoon ang sasapitin ng lahat ng mga bansang kumakalaban sa Zion.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.