Isaias 29

Ngunit darating ang araw na ang marami niyang malulupit na kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila.

Isaiah 29:5 (UKJV) Moreover the multitude of your strangers shall be like small dust, and the multitude of the terrible ones shall be as chaff that passes away: yea, it shall be at an instant suddenly.

3Kukubkubin ko ang lungsod ng Jerusalem. Paliligiran ko ito ng toreng panalakay at patatambakan ng lupa sa gilid ng mga pader para maakyat ito.

4Ibabagsak ka nang tuluyan at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita; sa alikabok magmumula ang iyong mga bulong. Ang tinig moʼy tila multong manggagaling sa kailaliman ng lupa, sa alikabok ang salita moʼy parang huni ng ibon.

5Ngunit darating ang araw na ang marami niyang malulupit na kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila.

6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

7Ang maraming bansang kumakalaban sa Jerusalem, na sumasalakay sa kanya at gumigiba sa kanyang tanggulan ay mawawalang katulad ng isang panaginip o ng isang pangitain sa gabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.