Isaias 29

Ibabagsak ka nang tuluyan at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita; sa alikabok magmumula ang iyong mga bulong. Ang tinig moʼy tila multong manggagaling sa kailaliman ng lupa, sa alikabok ang salita moʼy parang huni ng ibon.

Isaiah 29:4 (UKJV) And you shall be brought down, and shall speak out of the ground, and your speech shall be low out of the dust, and your voice shall be, as of one that has a familiar spirit, out of the ground, and your speech shall whisper out of the dust.

2Ngunit lulusubin ko ito, at mag-iiyakan at mananaghoy ang kanyang mga mamamayan. Itoʼy magiging parang altar na puno ng dugo sa akin.

3Kukubkubin ko ang lungsod ng Jerusalem. Paliligiran ko ito ng toreng panalakay at patatambakan ng lupa sa gilid ng mga pader para maakyat ito.

4Ibabagsak ka nang tuluyan at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita; sa alikabok magmumula ang iyong mga bulong. Ang tinig moʼy tila multong manggagaling sa kailaliman ng lupa, sa alikabok ang salita moʼy parang huni ng ibon.

5Ngunit darating ang araw na ang marami niyang malulupit na kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila.

6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.