Isaias 29

Ngunit lulusubin ko ito, at mag-iiyakan at mananaghoy ang kanyang mga mamamayan. Itoʼy magiging parang altar na puno ng dugo sa akin.

Isaiah 29:2 (UKJV) Yet I will distress Ariel, and there shall be heaviness and sorrow: and it shall be unto me as Ariel.

1Nakakaawa ang Jerusalem, ang lungsod kung saan nanirahan si David! Sige, hayaang ipagdiwang sa bawat taon ang kanyang mga pista.

2Ngunit lulusubin ko ito, at mag-iiyakan at mananaghoy ang kanyang mga mamamayan. Itoʼy magiging parang altar na puno ng dugo sa akin.

3Kukubkubin ko ang lungsod ng Jerusalem. Paliligiran ko ito ng toreng panalakay at patatambakan ng lupa sa gilid ng mga pader para maakyat ito.

4Ibabagsak ka nang tuluyan at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita; sa alikabok magmumula ang iyong mga bulong. Ang tinig moʼy tila multong manggagaling sa kailaliman ng lupa, sa alikabok ang salita moʼy parang huni ng ibon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.