Isaias 29

Ang maraming bansang kumakalaban sa Jerusalem, na sumasalakay sa kanya at gumigiba sa kanyang tanggulan ay mawawalang katulad ng isang panaginip o ng isang pangitain sa gabi.

Isaiah 29:7 (UKJV) And the multitude of all the nations that fight against Ariel, even all that fight against her and her stronghold, and that distress her, shall be as a dream of a night vision.

5Ngunit darating ang araw na ang marami niyang malulupit na kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila.

6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako ang Panginoon ng mga Hukbo, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

7Ang maraming bansang kumakalaban sa Jerusalem, na sumasalakay sa kanya at gumigiba sa kanyang tanggulan ay mawawalang katulad ng isang panaginip o ng isang pangitain sa gabi.

8Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain, ngunit nang magising ay gutom pa rin; katulad ng taong nanaginip na umiinom, ngunit nang magising ay uhaw pa rin. Ganoon ang sasapitin ng lahat ng mga bansang kumakalaban sa Zion.

9Magugulat kayo at mamamangha, magpakabulag at tuluyang hindi makakita. Malalasing kayo, ngunit hindi dahil sa ubas, at magsusuray-suray, ngunit hindi dahil sa alak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.