15Bakit ninyo inaapi ang aking mga mamamayan at ginigipit ang mga mahihirap?” Iyan ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
16Sinabi pa ng Panginoon, “Mapagmataas ang mga babae ng Jerusalem. Nakataas ang noo habang naglalakad, malandi kung tumingin, umiindayog ang balakang sa paghakbang, pinapakalansing pa ang mga alahas sa kanilang mga paa.
17Kaya ang mga kababaihang ito ng Zion ay magkakapigsa sa kanilang mga ulo; gagawing kalbo ng Panginoon ang kanilang mga anit.”
18Sa araw na iyon, kukunin ng Panginoon ang mga alahas sa kanilang paa, ulo, at leeg;
19mga hikaw, pulseras, belo,