21mga singsing sa daliri at ilong,
22ang kanilang mga mamahaling damit, mga kapa at mga balabal, mga pitaka,
23at mga salamin, mga damit na gawa sa pinong lino, mga putong, at mga belo.
24Ang kapalit ng halimuyak ay umaalingasaw na amoy. At ang sinturon nilaʼy mapapalitan ng lubid; ang magaganda nilang buhok ay makakalbo; ang magagarang kasuotaʼy mapapalitan ng sako; ang kanilang kagandahaʼy magiging kahihiyan.
25Ang inyong kalalakihaʼy mamamatay sa digmaan, ang inyong mga kawal ay babagsak sa labanan.