4Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Diyos para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”
5At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.
6Lulundag ang mga pilay na parang usa at sisigaw sa tuwa ang mga pipi. Aagos ang tubig sa disyerto at dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang.
7Ang mainit na buhanginan ay magiging tubigan. At sa tigang na lupain ay bubukal ang tubig. Tutubo ang sari-saring damo sa lugar na tinitirhan noon ng mga asong-gubat.
8Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makakadaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon.