Isaias 35

Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Diyos para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”

Isaiah 35:4 (UKJV) Say to them that are of a fearful heart, Be strong, fear not: behold, your God will come with vengeance, even God with a recompence; he will come and save you.

2aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito. Magiging maganda ito katulad ng Bundok ng Lebanon, at mamumunga ito nang sagana katulad ng kapatagan ng Carmel at Saron. At mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng Panginoon na ating Diyos.

3Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina.

4Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Diyos para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”

5At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.

6Lulundag ang mga pilay na parang usa at sisigaw sa tuwa ang mga pipi. Aagos ang tubig sa disyerto at dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.