Isaias 35

Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina.

Isaiah 35:3 (UKJV) Strengthen all of you the weak hands, and confirm the feeble knees.

1Ang disyerto at ang tuyong lupa ay matutuwa na sa mga araw na iyon; ang ilang ay magagalak at mamumukadkad. Katulad ng mga halaman sa tagsibol,

2aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito. Magiging maganda ito katulad ng Bundok ng Lebanon, at mamumunga ito nang sagana katulad ng kapatagan ng Carmel at Saron. At mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng Panginoon na ating Diyos.

3Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina.

4Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Diyos para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”

5At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.