Isaias 35

At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.

Isaiah 35:5 (UKJV) Then the eyes of the blind shall be opened, and the ears of the deaf shall be unstopped.

3Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina.

4Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Diyos para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”

5At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.

6Lulundag ang mga pilay na parang usa at sisigaw sa tuwa ang mga pipi. Aagos ang tubig sa disyerto at dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang.

7Ang mainit na buhanginan ay magiging tubigan. At sa tigang na lupain ay bubukal ang tubig. Tutubo ang sari-saring damo sa lugar na tinitirhan noon ng mga asong-gubat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.