21Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaquerib ng Asiria,
22ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: “Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang ikaʼy nakatalikod.
23Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo? Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo? Hindi baʼt ako, ang Banal na Diyos ng Israel?
24Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo. Sinabi mo pa, ‘Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na mga bundok pati ang tuktok ng bundok ng Lebanon. Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres nito. Nakarating ako sa tuktok na may makapal na kagubatan.
25Naghukay ako ng balon sa ibang mga lugar at uminom ng tubig mula rito. Sa pagdaan ko, natuyo ang mga sapa sa Ehipto.’