Isaias 37

ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: “Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang ikaʼy nakatalikod.

Isaiah 37:22 (UKJV) This is the word which the LORD has spoken concerning him; The virgin, the daughter of Zion, has despised you, and laughed you to scorn; the daughter of Jerusalem has shaken her head at you.

20Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, upang malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”

21Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaquerib ng Asiria,

22ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: “Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang ikaʼy nakatalikod.

23Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo? Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo? Hindi baʼt ako, ang Banal na Diyos ng Israel?

24Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo. Sinabi mo pa, ‘Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na mga bundok pati ang tuktok ng bundok ng Lebanon. Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres nito. Nakarating ako sa tuktok na may makapal na kagubatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.