Isaias 37

Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, upang malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”

Isaiah 37:20 (UKJV) Now therefore, O LORD our God, save us from his hand, that all the kingdoms of the earth may know that you are the LORD, even you only.

18Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming mamamayan at mga lupain nila.

19Winasak nila ang mga diyos-diyosan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos, kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.

20Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, upang malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”

21Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaquerib ng Asiria,

22ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: “Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang ikaʼy nakatalikod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.