19Winasak nila ang mga diyos-diyosan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos, kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.
20Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, upang malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”
21Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaquerib ng Asiria,
22ito ang sinabi ng Panginoon laban sa kanya: “Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang ikaʼy nakatalikod.
23Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo? Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo? Hindi baʼt ako, ang Banal na Diyos ng Israel?