Isaias 37

Winasak nila ang mga diyos-diyosan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos, kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.

Isaiah 37:19 (UKJV) And have cast their gods into the fire: for they were no gods, but the work of men's hands, wood and stone: therefore they have destroyed them.

17Panginoon, pakinggan nʼyo po ako, at tingnan nʼyo ang mga nangyari. O buháy na Diyos, pakinggan nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na lumapastangan sa inyo.

18Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming mamamayan at mga lupain nila.

19Winasak nila ang mga diyos-diyosan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong diyos, kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao.

20Kaya, Panginoon naming Diyos, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, upang malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Diyos.”

21Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaquerib ng Asiria,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.