Isaias 38

Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung akoʼy patay na? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan.

Isaiah 38:18 (UKJV) For the grave cannot praise you, death can not celebrate you: they that go down into the pit cannot hope for your truth.

16Panginoon, sa ginawa nʼyo pong ito, mapapalakas nʼyo ang loob ng tao, at ako mismo napalakas ninyo. Pinagaling nʼyo ako at pinayagan pang mabuhay.

17Totoong ang mga kahirapang aking tiniis ay para rin sa aking kabutihan. Dahil sa pag-ibig nʼyo, iniligtas nʼyo ako mula sa kapahamakan at ang aking mga kasalanan ay inyong tinalikuran.

18Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung akoʼy patay na? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan.

19Ang mga buháy lamang ang makakapuri sa inyo katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang bawat henerasyon ay magpapahayag sa susunod na henerasyon tungkol sa inyong katapatan.

20Panginoon, iniligtas nʼyo po ako, kaya aawit kami sa saliw ng kuwerdas, sa inyong Templo habang kami ay nabubuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.