Isaias 38

Ang mga buháy lamang ang makakapuri sa inyo katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang bawat henerasyon ay magpapahayag sa susunod na henerasyon tungkol sa inyong katapatan.

Isaiah 38:19 (UKJV) The living, the living, he shall praise you, as I do this day: the father to the children shall make known your truth.

17Totoong ang mga kahirapang aking tiniis ay para rin sa aking kabutihan. Dahil sa pag-ibig nʼyo, iniligtas nʼyo ako mula sa kapahamakan at ang aking mga kasalanan ay inyong tinalikuran.

18Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung akoʼy patay na? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan.

19Ang mga buháy lamang ang makakapuri sa inyo katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang bawat henerasyon ay magpapahayag sa susunod na henerasyon tungkol sa inyong katapatan.

20Panginoon, iniligtas nʼyo po ako, kaya aawit kami sa saliw ng kuwerdas, sa inyong Templo habang kami ay nabubuhay.

21Noong hindi pa gumagaling si Ezequias, sinabi sa kanya ni Isaias na patapalan niya sa kanyang mga katulong ng dinikdik na bunga ng igos ang bukol niya upang gumaling ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.