Isaias 38

Totoong ang mga kahirapang aking tiniis ay para rin sa aking kabutihan. Dahil sa pag-ibig nʼyo, iniligtas nʼyo ako mula sa kapahamakan at ang aking mga kasalanan ay inyong tinalikuran.

Isaiah 38:17 (UKJV) Behold, for peace I had great bitterness: but you have in love to my soul delivered it from the pit of corruption: for you have cast all my sins behind your back.

15Ngunit ano pa ang masasabi ko? Sapagkat sinagot niya ako at pinagaling. Mamumuhay ako nang may kababaan dahil sa mapait kong karanasan.

16Panginoon, sa ginawa nʼyo pong ito, mapapalakas nʼyo ang loob ng tao, at ako mismo napalakas ninyo. Pinagaling nʼyo ako at pinayagan pang mabuhay.

17Totoong ang mga kahirapang aking tiniis ay para rin sa aking kabutihan. Dahil sa pag-ibig nʼyo, iniligtas nʼyo ako mula sa kapahamakan at ang aking mga kasalanan ay inyong tinalikuran.

18Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung akoʼy patay na? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan.

19Ang mga buháy lamang ang makakapuri sa inyo katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang bawat henerasyon ay magpapahayag sa susunod na henerasyon tungkol sa inyong katapatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.