Isaias 46

Pinapasan nila ito sa kanilang balikat at inilalagay sa kanyang lalagyan at nananatili ito roon dahil hindi naman ito makakakilos. Kung may mananalangin sa kanya, hindi siya makakasagot at hindi makakatulong sa panahon ng kaguluhan.

Isaiah 46:7 (UKJV) They bear him upon the shoulder, they carry him, and set him in his place, and he stands; from his place shall he not remove: yea, one shall cry unto him, yet can he not answer, nor save him out of his trouble.

5Kanino ninyo ako maihahalintulad? Mayroon bang katulad ko?

6Ang ibang mga tao ay naglalabas ng ginto sa sisidlan at nagtitimbang ng pilak at inuupahan nila ang platero para gumawa ng diyos-diyosan at pagkatapos ay kanilang luluhuran at sasambahin.

7Pinapasan nila ito sa kanilang balikat at inilalagay sa kanyang lalagyan at nananatili ito roon dahil hindi naman ito makakakilos. Kung may mananalangin sa kanya, hindi siya makakasagot at hindi makakatulong sa panahon ng kaguluhan.

8Kayong mga rebelde, tandaan ninyo ito, at itanim sa inyong mga isip.

9Alalahanin ninyo ang aking mga ginawa noong unang panahon. Ako lang ang Diyos, at wala nang iba pang katulad ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.