Isaias 47

Naniniwala kang hindi ka mapapahamak sa paggawa mo ng kasamaan, dahil inaakala mong walang nakakakita sa iyo. Inililigaw ka ng iyong karunungan at kaalaman, at iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi mong ikaw ang Diyos at wala nang iba pa.

Isaiah 47:10 (UKJV) For you have trusted in your wickedness: you have said, None sees me. Your wisdom and your knowledge, it has perverted you; and you have said in yours heart, I am, and none else beside me.

8“Kaya makinig ka, ikaw na mahilig sa kalayawan at panatag ang kalooban. Sinasabi mo sa iyong sarili, ‘Nag-iisa lang ako. Walang akong katulad. Kailanmaʼy hindi ako mababalo o mawawalan ng mga anak.’

9Ngunit bigla itong mangyayari sa iyo sa isang iglap, sa isang araw: Mababalo ka at mawawalan ng mga anak. Talagang mangyayari ito sa iyo kahit na marami ka pang alam na mahika o panggagaway.

10Naniniwala kang hindi ka mapapahamak sa paggawa mo ng kasamaan, dahil inaakala mong walang nakakakita sa iyo. Inililigaw ka ng iyong karunungan at kaalaman, at iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi mong ikaw ang Diyos at wala nang iba pa.

11Kung kaya, darating sa iyo ang kapahamakan at hindi mo malalaman kung papaano mo iyon mailalayo sa pamamagitan ng iyong mahika. Darating din sa iyo ang salot na hindi mo mababayaran para tumigil. Biglang darating sa iyo ang pagkawasak na hindi mo akalaing mangyayari.

12“Sige, ipagpatuloy mo ang iyong mga mahika at mga pangkukulam na iyong ginagawa mula noong bata ka pa. Baka sakaling magtagumpay ka, o baka sakaling matakot sa iyo ang mga kaaway mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.