1Panginoon, punitin ninyo ang kalangitan at kayoʼy bumaba nang mayanig ang lahat ng kabundukan sa inyong harapan.
2Kung papaanong pinapaliyab ng apoy ang mga tuyong sanga at pinapakulo ang tubig, sa inyong pagdating ay manginginig ang mga bansang kaaway ninyo, at malalaman nila kung sino kayo.
3Noong kayoʼy bumaba at gumawa ng mga kahanga-hangang bagay na hindi namin inaasahan, nayanig ang mga bundok sa inyong harapan.