Isaias 64

Ngunit, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang lumikha sa aming lahat.

Isaiah 64:8 (UKJV) But now, O LORD, you are our father; we are the clay, and you our potter; and we all are the work of your hand.

6Kaming lahat ay naging marumi at madungis, at ang lahat ng aming mabubuting gawa ay parang maruming basahan. Kaming lahat ay parang dahong natutuyo, at ang aming kasamaan ay parang hangin na tumatangay sa amin.

7Wala kahit isa man sa amin ang humihiling at nagsusumikap na kumapit sa inyo. Sapagkat lumayo po kayo sa amin, at pinabayaan ninyo kaming mamatay dahil sa aming mga kasalanan.

8Ngunit, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang lumikha sa aming lahat.

9Panginoon, huwag naman po ninyong lubusin ang inyong galit sa amin o kayaʼy alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na kamiʼy inyong dinggin, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan.

10Ang mga banal ninyong lungsod ay naging ilang; maging ang bundok ng Zion ay walang naninirahan, ang Jerusalem ay naiwang nakatiwangwang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.