Isaias 64

Panginoon, huwag naman po ninyong lubusin ang inyong galit sa amin o kayaʼy alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na kamiʼy inyong dinggin, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan.

Isaiah 64:9 (UKJV) Be not angry very sore, O LORD, neither remember iniquity for ever: behold, see, we plead to you, we are all your people.

7Wala kahit isa man sa amin ang humihiling at nagsusumikap na kumapit sa inyo. Sapagkat lumayo po kayo sa amin, at pinabayaan ninyo kaming mamatay dahil sa aming mga kasalanan.

8Ngunit, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang lumikha sa aming lahat.

9Panginoon, huwag naman po ninyong lubusin ang inyong galit sa amin o kayaʼy alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na kamiʼy inyong dinggin, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan.

10Ang mga banal ninyong lungsod ay naging ilang; maging ang bundok ng Zion ay walang naninirahan, ang Jerusalem ay naiwang nakatiwangwang.

11Nasunog ang aming banal at magandang Templo, kung saan po kayo sinasamba ng aming mga ninuno. Nawasak ang lahat ng bagay na mahalaga sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.