5Tinatanggap ninyo ang mga nagagalak na gumawa ng matuwid at sumusunod sa inyong mga pamamaraan. Ngunit dahil patuloy naming sinusuway ang inyong mga kapamaraanan, nagalit po kayo sa amin. Kaya papaano kami maliligtas?
6Kaming lahat ay naging marumi at madungis, at ang lahat ng aming mabubuting gawa ay parang maruming basahan. Kaming lahat ay parang dahong natutuyo, at ang aming kasamaan ay parang hangin na tumatangay sa amin.
7Wala kahit isa man sa amin ang humihiling at nagsusumikap na kumapit sa inyo. Sapagkat lumayo po kayo sa amin, at pinabayaan ninyo kaming mamatay dahil sa aming mga kasalanan.
8Ngunit, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang lumikha sa aming lahat.
9Panginoon, huwag naman po ninyong lubusin ang inyong galit sa amin o kayaʼy alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na kamiʼy inyong dinggin, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan.