Isaias 7

“Humingi ka sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ng palatandaan, magmula man ito sa kalaliman, doon sa mundo ng mga patay, o sa kaitaasan, doon sa langit.”

Isaiah 7:11 (UKJV) Ask you a sign of the LORD your God; ask it either in the depth, or in the height above.

9At ang Samaria ay kabisera lamang ng Israel, at si Peka na anak ni Remalias ay sa Samaria lamang naghahari. Kung hindi matatag ang pananalig nʼyo sa Diyos, tiyak na mapapahamak kayo.” ’ ”

10Muling nangusap ang Panginoon kay Ahaz,

11“Humingi ka sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ng palatandaan, magmula man ito sa kalaliman, doon sa mundo ng mga patay, o sa kaitaasan, doon sa langit.”

12Ngunit sumagot si Ahaz, “Hindi ako hihingi ng palatandaan. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”

13Sinabi ni Isaias, “Makinig kayong mga angkan ni David. Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa pang-iinis nʼyo sa mga tao? At ngayon, ang Diyos ko naman ang iniinis ninyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.