Isaias 32

Ang mga mata ng mga may paningin ay makakakita na nang tuluyan, at ang mga tainga ng mga may pandinig ay makakarinig na nang mabuti.

Isaiah 32:3 (UKJV) And the eyes of them that see shall not be dim, and the ears of them that hear shall hearken.

1May isang hari na mamumuno nang matuwid, at ang kanyang mga opisyal ay mamamahala nang may katarungan.

2Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Katulad sila ng ilog na dumadaloy sa disyerto, o kayaʼy anino ng malaking bato na lumililim sa tuyong lupain.

3Ang mga mata ng mga may paningin ay makakakita na nang tuluyan, at ang mga tainga ng mga may pandinig ay makakarinig na nang mabuti.

4Ang taong pabigla-bigla ay mag-iisip nang mabuti para malaman niya ang kanyang gagawin. Ang taong hindi alam kung ano ang sasabihin ay makakapagsalita nang mabuti at malinaw.

5Ang mga hangal ay hindi na dadakilain, at ang mga mandaraya ay hindi na igagalang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.