Awit 124

1Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin, ano kaya ang nangyari? Sumagot kayo mga taga-Israel!

2Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

3marahil ay pinatay na nila tayo, dahil sa matinding galit nila sa atin;

4para siguro silang bahang tumangay sa atin o malakas na agos na lumunod sa atin.

6Purihin ang Panginoon, dahil hindi niya pinayagang lapain tayo ng ating mga kaaway.

7Nakatakas tayo, katulad ng ibong nakawala sa nasirang bitag.

8Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon, na lumikha ng langit at lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.