1Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!
2Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.
4Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan nang higit pa kaysa anumang mga diyos.
5Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa ay pawang diyos-diyosan lamang. Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.
6Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan; at nasa Templo niya ang kalakasan at kagandahan.
7Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
8Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa Templo.
9Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.
10Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao nang walang kinikilingan.
11Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa
13sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.