1Panginoong Diyos, iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.
2Mapahiya sana at malito ang mga nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana na hiyang-hiya ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.
3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.
4Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang lahat ng naghahangad ng inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakila ka, o Diyos!”
5Ngunit ako, akoʼy dukha at nangangailangan. O Diyos, agad po ninyo akong lapitan! Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin. Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.