1Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem sa banal na bundok.
2Mahal niya ang lungsod na ito kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.
3Magagandang bagay ang kanyang sinasabi tungkol sa lungsod na ito.
4Sabi niya, “Kung ililista ko ang mga bansang kumikilala sa akin, isasama ko ang Ehipto, ang Babilonia, pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia. Ituturing kong tubong Jerusalem ang kanilang mga mamamayan.”
5Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion, “Ang taong ito at iyon ay tubong Jerusalem. At ang Kataas-taasang Diyos ang siyang magpapatatag ng lungsod niyang ito.”
6Ililista ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at isasama rin niya ang maraming tao na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.
7Silang lahat ay magsisiawit ng, “Ang lahat ng ating mga pagpapala ay sa Jerusalem nagmula!”