1O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin.
2Mula sa dulo ng mundo, akoʼy tumatawag sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,
3dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.
4Hayaan po ninyong akoʼy manatili sa inyong Templo, magpakailanman. Kayo ang aking kanlungan, akoʼy inyong iniingatan.
5Dahil napakinggan ninyo, O Diyos, ang aking mga pangako at binigyan nʼyo ako ng mga bagay na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.
6Pahabain nʼyo ang buhay ng hari at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga lahi.
7Sanaʼy maghari siya magpakailanman na kasama ninyo, O Diyos. Ingatan ninyo siya dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.
8At akoʼy palaging aawit ng papuri sa inyo, at tutuparin kong lagi ang aking mga pangako sa inyo.