Awit 61

Hayaan po ninyong akoʼy manatili sa inyong Templo, magpakailanman. Kayo ang aking kanlungan, akoʼy inyong iniingatan.

Psalm 61:4 (UKJV) I will abide in your tabernacle for ever: I will trust in the covert of your wings. Selah.

2Mula sa dulo ng mundo, akoʼy tumatawag sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

3dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

4Hayaan po ninyong akoʼy manatili sa inyong Templo, magpakailanman. Kayo ang aking kanlungan, akoʼy inyong iniingatan.

5Dahil napakinggan ninyo, O Diyos, ang aking mga pangako at binigyan nʼyo ako ng mga bagay na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.

6Pahabain nʼyo ang buhay ng hari at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga lahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.