1O Diyos, huwag po sana kayong manahimik. Huwag po ninyong takpan ang inyong tainga. Kumilos po kayo.
2Tingnan ang inyong mga kaaway, maingay silang sumasalakay at ipinagyayabang na mananalo sila.
3Nagbabalak sila ng masama laban sa inyong mga mamamayan na inyong kinakalinga.
4Sinabi nila, “Halikayo, wasakin natin ang bansang Israel upang makalimutan na siya magpakailanman.”
5At nagkasundo sila sa masamang plano nila. Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo.
6Sila ay mga taga-Edom, mga Ismaelita, mga taga-Moab, mga Hagreo,
7mga taga-Gebal, Amonita, taga-Amalek, mga taga-Filistia at mga taga-Tiro.
8Kumampi rin sa kanila ang Asiria, isang bansang malakas na kakampi ng lahi ni Lot.
9Talunin nʼyo sila Panginoon katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita at kina Sisera at Jabin doon sa Lambak ng Kison.
10Namatay sila sa Endor at ang mga bangkay nilaʼy nabulok at naging pataba sa lupa.
11Patayin nʼyo ang mga pinuno nila katulad ng ginawa ninyo kina Oreb at Zeeb at kina Zeba at Zalmuna.
12Sinabi nila, “Agawin natin ang lupain ng Diyos.”
13O Diyos ko, ikalat nʼyo sila na parang alikabok o ipa na nililipad ng hangin.
14Tulad ng apoy na tumutupok sa mga puno sa kagubatan at kabundukan, habulin nʼyo sila ng inyong bagyo at takutin ng malalakas na hangin.
16Hiyain nʼyo sila, Panginoon, hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo.
17Sana nga ay mapahiya at matakot sila habambuhay. Mamatay sana sila sa kahihiyan.
18Para malaman nilang kayo, Panginoon, ang tanging Kataas-taasang Diyos sa buong mundo.