1Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasan na inyong ibinibigay Labis siyang nasisiyahan sa bigay ninyong tagumpay.
2Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan.
3Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto.
4Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya, at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay na magpakailanman.
5Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya, naging tanyag siya at makapangyarihan.
6Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon, pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan, at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.
7At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Diyos, hindi siya mabubuwal.
8Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.
9At kapag kayo ay dumating, Panginoon, lilipulin nʼyo sila. Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukin na parang dayami sa naglalagablab na apoy.
10Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan, upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahi.
11Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo, ngunit hindi sila magtatagumpay.
12Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana.
13Panginoon, pinupuri namin kayo dahil sa inyong kalakasan. Aawit kami ng mga papuri dahil sa inyong kapangyarihan.