Awit 21

Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto.

Psalm 21:3 (UKJV) For you prevent him with the blessings of goodness: you set a crown of pure gold on his head.

1Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasan na inyong ibinibigay Labis siyang nasisiyahan sa bigay ninyong tagumpay.

2Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan.

3Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto.

4Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya, at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay na magpakailanman.

5Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya, naging tanyag siya at makapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.