Awit 15

1Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong banal na Tolda? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok?

2Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,

3hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

4Itinatakwil niya ang mga taong ubod ng sama, ngunit pinararangalan niya ang mga taong may takot sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin.

5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang, at hindi tumatanggap ng suhol upang sumaksi laban sa taong walang kasalanan.” Ang taong gumagawa ng ganito ay hindi matitinag kailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.