Awit 15

Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong banal na Tolda? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok?

Psalm 15:1 (UKJV) Lord, who shall abide in your tabernacle? who shall dwell in your holy hill?

1Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong banal na Tolda? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok?

2Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,

3hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.