Awit 113

1Purihin nʼyo ang Panginoon! Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.

2Purihin nʼyo ang Panginoon, ngayon at magpakailanman.

3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.

4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.

5Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos, na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

6Yumuyuko siya upang tingnan ang kalangitan at ang sanlibutan.

7Tinutulungan niya ang mga dukha at nangangailangan sa kanilang kagipitan.

8At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao mula sa kanyang mga mamamayan.

9Pinaliligaya niya ang baog na babae sa tahanan nito, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.