Awit 113

Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.

Psalm 113:4 (UKJV) The LORD is high above all nations, and his glory above the heavens.

2Purihin nʼyo ang Panginoon, ngayon at magpakailanman.

3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.

4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.

5Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos, na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

6Yumuyuko siya upang tingnan ang kalangitan at ang sanlibutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.