1O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,
2upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas.
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.
4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghatol at pagpatnubay sa lahat ng bansa.
5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6Umani nawa ng sagana ang mga lupain. Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos. Magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.