Awit 67

Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghatol at pagpatnubay sa lahat ng bansa.

2upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas.

3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.

4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghatol at pagpatnubay sa lahat ng bansa.

5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.

6Umani nawa ng sagana ang mga lupain. Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos. Magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.