Awit 128

1Mapalad kayong may takot sa Panginoon, na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

2Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

3Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo.

4Ganito pagpapalain ang sinumang may takot sa Panginoon.

5Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa Zion. Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem habang kayoʼy nabubuhay.

6Makita sana ninyo ang inyong mga apo. Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.