Awit 130

1Panginoon, sa labis kong paghihirap akoʼy tumatawag sa inyo.

2Dinggin po ninyo ako, Panginoon. Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.

3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan, sino kaya sa amin ang matitira?

4Ngunit pinapatawad nʼyo kami, pang matuto kaming gumalang sa inyo.

5Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.

6Naghihintay ako sa inyo nang higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.

7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.

8Siya ang magliligtas sa inyo sa lahat ng inyong mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.